Monday, August 18, 2014

WIKANG FILIPINO ANG PAGKAKAISA



LOVE OUR OWN LANGUAGE


       Pilipino ang lahi ko. Kayumanggi ang kulay ko. Taas noo ako na may Wikang Filipino.

      Ako ay isang Pilipino na may maraming khangarin sa buhay.  Kahit anong pagsubok na tatahakin, ako'y magtatagumpay pa mandin. Hindi ko na hahayaan a magpapaalipin pa tayo. Ako ay di na takot na sa isipan'y matatag at malakas at nanali8g na rin na di ako pababayaan ng Maykapal. Sa harapan ninyong lahat "AKO ANG BAGONG PILIPINO".

     Tayo na Pilipino. Kumilos na dahil panahon na natin. Panahon para umunlad at itayo ang ating karangalan. Ipakita natin na may nakakahigit sa kanila. Na alam nating tumayo sa sarili nating mga paa.

     Ang mga ninuno natin binigyan nla tayo ng wika para tayo'y magkasundo at magkaunawaan.Kahit anuman ang mangyari ang ating wika ay pinapatibay. Na dapat na magkaisa. Magkaisang tumulonbg, magmahal na dapat huwag husgahan ang ating sariling mga kapwa.

     Ang pagkakaisa sa Wikang Filipino ay mahalaga. Kung saan iisa lang ang adhikain. Magkapit bisig sa libu-libong mga tao o Pilipino. Katotohanan, kalayaan, katarungan ang nasa puso't isipan nating mga Pilipino. ANG ATING WIKANG FILIPINO AY PAGYAMANIN.




No comments:

Post a Comment